Mga patay na isda, natagpuan sa ilalim ng reef dive site sa Bohol

Mga patay na isda, natagpuan sa ilalim ng reef dive site sa Bohol

Patay na nang matagpuan ang mga isda sa ilalim ng isang reef dive site dahil umano sa dynamite fishing sa Bohol.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapapanood sa isang video ang mga patay nang isda sa Lumayag Slope na matatagpuan sa boundary ng mga bayan ng Andap at Guindulman sa Bohol.

Karamihan sa mga nangamatay na isda ay mga Tamban at Dalagang Bukid.

Nagkalasog-lasog din ang iba pang namataang isda.

Hinala ng ilan na dulot umano ng dynamite fishing ang pagkamatay ng mga isda.

Iniulat na ito sa mga awtoridad para imbestigahan at matukoy ang sanhi ng kanilang pagkamatay. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News

Read More

Write a comment

Your email address will not be published. All fields are required